Photo Credits: Zul Yaang |
Paano kung makatanggap ka ng litrato na pamba-blackmail? Anong gagawin mo?
"Brad, sino ang nagpadala ng mga litrato na 'to?" Rinig ni Sonny na tanong ni Noel habang siya ay busy sa pagbibilang ng pera.
Para namang nainis niya itong sinagot. "Ewan ko diyan brad, 'di mo tanungin si Rodolfo. Siya ang naglapag ng sobre niyan dito sa mesa ko. Pinatingnan ko sa 'yo kung anong laman, 'kala ko nga pera."
Bahagya pang lumukot ang mukha niya sa pagkadismaya.
Bahagya pang lumukot ang mukha niya sa pagkadismaya.
"Boss, may nagpapaabot. Hindi ko na in-entertain. Baka ma-set-up tayo ng kung sino, mahirap na mga parak pa." Ang sabi pa ni Rodolfo habang sumisilip sa butas ng pinto, nagmamasid kung sinong tumitiktik sa hide-out nila.
Napangisi si Sonny. Gumagaling na rin ang bata sa pagmamanman. Ang kanyang naisip. Kahit baguhan palang sa grupo nila si Rodolfo ay hindi niya mapagkakailang magaling siya. Sinisiguro niyang mapapakinabangan ito sa susunod pang pupuntiryahing bahay.
Isang mangungupit si Sonny simula palang noong siya ay musmos. Mabilis pa sa segundo ay napasasakamay na niya ang mapintog na wallet ng nabibiktima nito noon.
Aminado naman siyang talento na niya ang tila mahikang kamay magmula nang maulila siya sa mga magulang at nagpalaboy-laboy sa lansangan. Wala na rin siyang kakilalang mga kamag-anak ng mga magulang na namatay maliban sa pinsang si Noel na isa ring palaboy noon. Nag-a-addict na nga, eh. Hinikayat niya lamang itong sumama sa kanya imbes malulong sa droga. Pumayag naman ito. Kaya heto, dalawa silang nabubuhay sa ganitong pamamaraan. Isa pa, mas madali raw sa kanila iyon imbes sa pagbabanat ng buto na kakarampot lamang ang kinikita sa araw-araw.
Sa awa ng Diyos este ni satanas, hindi pa naman sila nahuhuli ng mga parak at ngayon ay nagkaedad na.
Dito kasi, tiyak na mapapaaga silang mahiga sa maraming salapi.
Kung dati ay pabunggo-bunggo sa mabibiktima, pandurukot, malakas na kung sila ay kumita. Mas doble ang kinikita nila kumpara noon sa pandurukot. Big time na sila ngayon sa kanilang bagong gawi.
Ngayon ay tatlo na sila. Lihim na sumasalisi sa bahay na kanilang mapag-i-interesan.
Ang pinsan niyang si Noel ang siyang kasama niya para tulungang tangayin ang mga mahahalaga o mamahaling bagay. Si Rodolfo na nairekomenda ni Noel sa kanya, ang watcher nila. Wala na ring kasangga si Rodolfo kaya sumama na sa kanila.
Medyo umiinit lang ang ulo ni Sonny kapag humihingi ng karagdagan ang pinsan niya sa kanyang parte. Humihirit din iyong watcher na dalawang araw pa lang sa kanilang samahan. Napapailing siya at pinagbibigyan sila, malaki naman talaga ang mga naitutulong ng mga ito sumatutal. Pero unfair naman para sa kanya. Siya ang utak sa pagsasagawa ng plano, ang dalawa lang ang nakikinabang.
Samakatuwid, silang tatlo ay mga 'Akyat-Bahay Gang'.
"Nalintikan na, brad."
"Nalintikan na, brad."
Tumigil si Sonny sa pagbabalasa ng salapi. Lumingon siya kay Noel. Kababakasan na nang pamumutla ang hitsura ng pinsan sa mga litratong hawak.
Tumayo siya para silayan ang litrato na lubha niya ring ikinalumo. Tila kinabog na rin ang puso ng lalaki.
Nakiusyoso na rin si Rodolfo.
Malakas ang bawat mura niyanang makitaang kanyangsariling binubuksan ang vault sa naturang larawan.
Inagaw niya kay Noel ang mga litrato.
Isa-isang tiningnan ang mga ito. Karamihan sa kuha ay iyong tila 'ninja' habang pinapasok niya nang marahan ang mismong bahay. Ang huling bahay na ninakawan lang nila kahapon.
Magkakasunod na kuha. Paakyat ng hagdan, pagsilip ng kuwarto, pagpasok sa kinalalagyan ng vault. Lahat yata ng bawat galaw nila, nakuhanan.
Isa-isang itinapon ni Sonny ang mga larawang iyon. Mabilis na itinapon kapag napapasadahan ang mga ito. Hindi niya maikurap ang mga mata. Hanggang sa huling piraso ng litrato...lubha siyang nagimbal sa tumambad.
Nanginginig na inilapit niya pa sa mukha ang imahen na nasa litrato.
Ang nasa mismong larawan ay kuha sa pagpatay niya sa isang dalaga.
Sinapo ni Sonny ang kanyang ulo.
Winarat ang huling litratong hawak nito. Pinagpipira-piraso. Nagwala siya na para bang nasisiraan na ng bait. Inawat naman siya ng dalawa.
"Bumalik tayo sa bahay na iyon! Marahil naroon sa huling bahay na ninakawan natin ang taong nagpadala ng litrato na ito!" ma-otoridad niyang utos sa dalawa. "Idispatiya ang sagabal sa ating plano bago pa niya ikalat kung may kopya pa siya ng mga litrato na ito sa media!"
Tinawagan ni Sonny ang pinsang si Noel. Sabi niya sa dalawa na five pm sharp, naroon na sa target na bahay. Nakarating na nga siya lahat-lahat hanggang ngayon wala pa rin ang dalawa.
Sinagot naman siya ng pinsan sa kabilang linya. Ang sabi nito ay susunod na raw sila, maghahanda lang muna. Pero umabot na ng isang oras, naghintay siya sa dalawang ungas sa wala. Nagsusumigaw tuloy ang isip niya sa pagkainis. Buwiset! Sila pa naman ang inaasahan ko.
Gayon pa man, kahit wala ang mga kasamahan ay itinuloy niya ang masamang balak.
'Kung sino man ang may-ari ng bahay na 'to, tiyak hindi na siya sisikatan ng araw. Magbabayad siya sa ginawa niyang pananakot sa akin,' sabi niya sa sarili habang tinitingnan ng masama ang bahay na nasa kanyang harapan.
Kagaya ng lagi niyang ginagawa sa pag-a-akyat-bahay, nagsuot siya ng itim na damit, itim na bonette sa ulo. May itinagong baril sa loob ng damit sa tiyan niya. Sakto at papadilim na. Tataniman niya agad ng bala sa ulo ang taong iyon kapag nagtagpo sila sa bahay na 'to.
Pumatak ang alas-diyes impunto.
Siguro ay mahimbing na natutulog sa mga oras na 'to ang may-ari. Sinamantala na niya.
Gamit ang lubid na binuhol ni Sonny sa dulo ay hinagis niya ito sa matulis na parte ng gate. Madali siyang nakaakyat. Maingat na hindi siya makalikha ng ingay.
Mabagal na tumungo sa likod.
Pagpasok sa likod, bahagya niyang iniwang nakabukas ang pinto para kapag nadali na niya ang puntirya, madali na siyang makakasibat.
Eksperto na siya sa gawi niyang 'to. Lahat ay malinis, kahit gumawa siya ng krimen, walang naiiwang bakas.
Marahan nang naglakad si Sonny sa pasilyo.
Mayamaya, naramdaman niya na may aninong dumaan. Sinandal niya agad ang likod nito sa pader. Humugot nang malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang baril sa nakatago na damit sa tiyan niya at saka ikinasa.
Palihim siyang sumilip bago bumuwelo para itutok ang baril sa dumaan na anino. Walang bumungad maliban sa malamig na simoy ng hangin ang dumaan.
Nagpatuloy si Sonny sa mabagal na paglalakad. Nakarating na rin siya sa sala at papanhik na rin sa ikalawang palapag.
Kalaunan ay napahinto siya nang may maamoy na nakasusulasok. Kahit natatakpan na ng bonette ang mukha niya, masyadong malakas ang amoy niyon. Babaligtad yata ang sikmura niya.
Pinagsakluban na siya nang takot sa katawan. Sa kabila noon, 'di pa rin siya nagpadaig.
Pagpanhik sa ikalawang palapag habang umaapak sa baitang ay dinig niya ang pag-ingit nito. Hindi niya maiwasang mapangiwi dulot nang ingay ng hagdan.
Sa wakas, nakatungtong na rin siya sa ikalawang palapag.
Dalawa ang silid. At nakatitiyak siyang isa riyan ang kuwarto na nagmamay-ari ng bahay na ito.
Pinasok niya ang unang silid. Bumungad kay Sonny ang makapukaw-pansing larawan na nakakabit sa pader maliban sa kama at arrangement ng mga bagay na nakapaloob dito.
Dinukot niya ang maliit na flashlight sa kanyang bulsa. Pinatamaan ng ilaw ang larawan.
Gulantang siya nang mapagtanto kung sino ang nasa larawan. Ang babae na nasa larawan niyon. Bilugan ang mapupungay na mata, manipis ang mga labi, matangos ang ilong at hanggang balikat lang ang buhok, maputing-maputi ang mukha ng babae.
Bumalik sa gunita niya ang mga pangyayari. Ilang ulit kasi niya noon inundayan ng patalim sa tiyan ang biktima matapos manlaban nang hindi nito ibigay sa kanya ang bag. Ito ang babaeng pinaslang niya.
Nanginginig ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Nakapako lang ang tingin niya sa larawan. Hindi siya makakilos sa natuklasan
May kumislap sa gilid ng mata niya, may dumaan na namang anino. Sa pag-flash ng isang bagay, may kasama pa pala siyang tao rito kanina pa. Siya iyong taong nagpapadala sa kanya ng litrato.
Pinaulanan niya agad ito ng bala. Magkakasunod.
Umalingawngaw ang putok ng baril na pinakawalan niya. Sinundan ang anino kung saan papunta. Mailap ito kaya hindi niya magawang patamaan.
Pababa na sana siya sa hagdan nang biglang may puwersang tumulak sa kanya. Deretso pababa, gumulong siya. Kasabay rin niyon ay nakabibinging kalabog pagkasalpak sa ibaba.. Malakas ang kanyang pagkakabagsak. Sumigaw siya na halos mag-iiyak na siya sa sakit. Ang balakang niya, napuruhan.
Hindi pa man siya nakatatayo, sumulpot na sa kanyang harapan ang isang tao. Nag-angat siya ng ulo.
Nanlaki ang mga mata niya. Nagsisimula nang sumuka ng dugo sa harapan niya ang babae. Ang tiyan nito, halos magsilabasan na ang mga lamang-loob.
Ubod ng lakas siyang sumigaw sa takot. Kahit masakit na ang balakang ay pinilit niyang tumayo.
Paika-ikang tinunton niya ang pinto sa likuran.
Nabura ang pag-asa niya na makatakas na nakapinid na pala ang seradora. Naisara na ito ng kung sinumang mailap na nilalang na kasama niya kanina.
May puwersa na namang nagtulak sa kanya. Tumba siya sa sahig.
Ang mga babasaging bagay na nasa paligid niya ay nag-uumpisa nang magsilaglag, nababasag. Dinig na dinig niya ang namumukod-tanging ingay ng pagbasag sa paligid, kahit walang siyang tanglaw bukod sa kadiliman.
Matapang na hindi niya ininda ang mga nararamdaman sa katawan. Tumayong nilabanan ang nagdulot sa kanyang injury. Ngunit napahiga siya nang may humila sa paa niya, pakaladkad.
Sigaw siya nang sigaw sa labis na takot.
Tumigil ang pagkaladkad sa kanya ng kung sino. Nagtangka uli siyang tumayo nang may may malakas na kamay ang humatak sa kanya. Ibinalibag naman siya sa isang sulok.
Kahit lamog na ang katawan, pinilit niya pa ring makatayo sa ikatlong pagkakataon.
Wala na siyang nagawa kundi umakyat sa itaas. Pinasok ang pangalawang silid. Nangibabaw ang nadarama niyang takot. Magkakasunod na pagbuga ng hangin sa kanyang baga ang pinakawalan.
Mas maigi nang umalis na lamang siya sa pamamahay na 'to puwera makipagsagupa sa isang multo.
Walang tigil ang pagragasa ng luha ni Sonny. Hindi niya rin alam pero naduduwag na siya sa puntong 'to, ngayon ay sumusuko na siya. Suko na ang kanyang loob.
Isinara niya ang pintong 'yon, napasandal sandali bago makahupa. May malaking larawan ang nakapukaw uli sa kanya ng pansin dito sa ikalawang kuwarto na napasukan niya.
Sa tulong ng sinag ng buwan, nasilayan niya ang larawan. Pamilyar sa kanya ang lalaking may maliit na camera na nakasabit sa leeg nito. Kasama ang babaeng nabiktima niya noon. Masaya ang ngiti nila habang naka-holding hands.
Imposibleng...
Hindi na niya naituloy ang sumunod na tumatakbo sa kanyang isip, nang mahagip niya ang nakahigang katawan sa kama nitong silid na pinasukan. Marahan na nagtungo at... ang bangkay ng babaeng pinaslang niya ang nakahiga roon. Naaagnas na ang katawan. Tumindi ang amoy. Napaatras siya hanggang sa mapasandal na siya sa bintana.
Sa hindi niya malamang dahil ay bigla ang pagbasag ng bintana na sinasandalan niya. Naramdaman niya ang pagtulak ng kung sino. Laglag siya sa labas magmula sa ikalawang palapag.
Batid na niyang marami na siyang damage sa katawan.
Bago niya ipikit ang talukap ng mga mata, narinig niya pa ang tunog ng sirena na galing sa mga sasakyang paparating.
Hospital arrest ang inabot ni Sonny nang magmulat siya. Nakaposas ang kaliwang kamay niya sa railing ng hospital bed kung saan siya nakaratay. Himala pa na nabuhay siya. Totoo nga na, "Ang masasamang damo, matagal kung mamatay."
May pumasok na isang lalaking naka-mask na sa tingin niya ay nurse. May dalang tray na may nakahaing pagkain. Inilapag niyon sa tabi niya kasunod ang pag-abot nito sa kanya ng puting sobre.
"May nagpapaabot," sabi ng nurse.
Gulantang siya nang buksan ang sobre ang laman no'n ay... isang piraso ng litrato. Makikita rito ang dilat na dilat na matang kanyang pinsan na si Noel at lawit ang dila. Nakabigti siya sa mismong hide-out nila. Katabi nito ang kaluluwa ng babaeng lubos niyang ikinasindak.
Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Bago pa man siya nakadepensa ay tinakpan na nito ng mariin ang bibig ng nurse, itinaas angkutsilyong kinuha pa nito mula sa tray. Sunod-sunod na itinarak iyon sa kanyang dibdib. Pinagtataga. Naalis ang hospital mask ng nurse.
At si... Rodolfo!
"Para sa asawa ko," mahina niyang sabi, nakita ni Sonny ang nakakurba nitong labi ngunit ang mga mata ay puno naman ng galit na nais makaganti.
Si Rodolfo ay asawa ng babaeng hinoldap at pinaslang ni Sonny. Noong panahong iyon, hindi nito nagawang ipagtanggol ang asawa. Pinangunahan ito ng takot na baka paslangin din siya nito nang makita ang kaganapan. Naduwag. Ngunit sa pamamagitan ng camera nito, kinuhanan niya lamang iyon ng litrato. Ginawa niyang panakot kay Sonny ang mga litrato iyon. Hindi naman ito nabigo. Naalarma siya, ginawang pambitag para mahuli ng mga pulisya.
Para kay Rodolfo na isang talagang photographer at hindi watcher ng mga kriminal na gumagawa ng mga masasama— 'Walang sikreto ang hindi nabubunyag. Lahat ng may pagkakasala sa kanilang kapwa, masamang karma ang kasasapitan.'
Imbes na sa kamay ng batas o pulisya pagbayayaran ang lahat ng ginawa ni Sonny, sa impiyerno tuloy niya ito dadanasin.
Wala na kasing hininga ang lalaki. Sa kabilang banda naman ay may narinig na 'click' mula sa camerang tangan ni Rodolfo. Kalaunan ay nilabas no'n ang isanglitrato.
Ilang segundong na-develop at sumilip ang larawan ni Sonny na dilat na dilat ang mga mata, nakanganga at— naliligo sa sariling dugo.
Wakas...
No comments:
Post a Comment